habang tuloy ang ingay at sigawan sa paligid ko, tahimik naman akong nananalangin na sana walang makapansin sa lihim kong pag salungat sa pananaw ng lahat sa paligid ko.
pilit tinatago ng mga hiyang ngiti at tahimik kong pagtango ang sakit na dulot ng biglang kurot sa puso ko ng mga oras na yun.
ang kulang limang minutong kasayahan ng iba ay siya namang pinakamahabang limang minuto ng buhay ko.
alam ko kasi na yun na ang oras para gumising.
tapos na ang mahabang panahon ng pag papanggap at pananginip na akin siya.
kitang kita ng mga mata ko kung paanong binawi ng bdalagang iyon ang talagang para sa kanya.
halata sa mga mata niya na masaya siya.
nalungkot ako.
parang gusto kong umiyak.
shit!bakit ang sakit?
bakit ganito?
dapat masaya din ako kagaya ng lahat. dapat makiisa ako sa kung ano man yung sinisigaw nila, pero bakit ganon? kahit anong gawin kong pilit sa sarili ko para maging masaya hindi pa din kayang sundin ng isip ko.
kitang kita ko ang hindi paglisan ng ngiti sa kanyang labi, sa kanyang mga mata at sa kanyang aura.
tuloy ang lihim na pag daloy ng luha ko habang tuloy ang palabas sa aking harap.
hindi siya sa akin at malabong mangyari yun.
hindi siya sa akin at paulit ulit yun na bumabalik sa dumudugo kong puso at sa utak kongf ayaw tumanggap ng kahit ano ng mga oras na yun.
lahat yata naglaho.
ang mga pangarap ko...
ang aking mga inaasam...
ang tangi kong kaligayahan..
tuloy ang tugtog..tuloy ang kanilang galaw..
tuloy ang sakit na nararamdaman ko..
sana ako na lang siya..
sana hindi na lang ako nag punta..
pero kahit siguro masaktan pa ko matimbang pa rin ang pagnanasa na makita siya.
kahit alam na alam ko ang dapat kong lugaran.
hindi ko malilimot ang araw na yun..
ang limang minutong pagluha ng puso ko..
ang realisasyong hindi siya akin at hindi kailanman magiging akin..
at higit sa lahat ang mga ngiti niyang nging dahilan ng aking pagluha...
Monday, October 6, 2008
Subscribe to:
Posts (Atom)

