Wednesday, November 19, 2008

kung hindi ngayon, kailan pa?

ngayon ko napatunayan na unfair ang mundo...bakit ganon kung kailan sa wakas masaya ka na saka naman hindi pwede? ang daya daya naman... gusto ko magtampo kaso mali eh hindi tama. bakit kelangan ipahiram sa'yo kung babawiin din pala? hindi ko lang kasi matanggap na eto na eh finally masaya ka na..nakita mo na yung hinahanap mo tapos malalaman mo ganon pala.

buti sana kung babae lang din ang kaagaw ko at least yun alam ko kung pano haharapin kaso hindi... oras ang kalaban ko... at hindi ko alam kung gaano pa katagal... pwdeng ngayon, bukas, sa isang taon o mamaya na. gusto kong sabihing wag muna hindi pa ko ready. kaso baka sabihin niya "kung di ngayon kailan pa?".


ang sakit pala. ganito din kaya nafeel ni L.T. dati? panu niya kaya kinaya? siguro kung malalaman ko sa oras na to na wala na siya baka hindi ko matantiya sarili ko. baka magawa ko pang habulin si kalawit sa kabilang buhay para lang sabihing wag muna ngayon.

ayokong malungkot kasi siya tanggap na niya. ayokong ipakita na sobra kong apektado. iniisip ko pa nga lang naluluha na ko. hindi ko alam kung panu pa ko ulit pag wala na siya. san ako ulit magsisimula? kung pwede lang akong maging selfish at itago siya gagawin ko. pero ayoko. ayokong maging selfish. mahal ko siya kaya kung san siya masaya hahayaan ko na lang muna siya.

wish ko lang ngayong pasko sana makasama ko pa siya ng matagal. ok na ko kahit wag ng magrant yung ibang mga wish ko bast pagbigyan lang ako sa isang to. alam ko kahit pano kailangan ko siyang sundin. kailangan kong maging ready. kailangan na talaga. kasi kung hindi ngayon kailan pa? pag huli na?

Monday, October 6, 2008

what made him smile...made me cry..

habang tuloy ang ingay at sigawan sa paligid ko, tahimik naman akong nananalangin na sana walang makapansin sa lihim kong pag salungat sa pananaw ng lahat sa paligid ko.

pilit tinatago ng mga hiyang ngiti at tahimik kong pagtango ang sakit na dulot ng biglang kurot sa puso ko ng mga oras na yun.

ang kulang limang minutong kasayahan ng iba ay siya namang pinakamahabang limang minuto ng buhay ko.

alam ko kasi na yun na ang oras para gumising.

tapos na ang mahabang panahon ng pag papanggap at pananginip na akin siya.

kitang kita ng mga mata ko kung paanong binawi ng bdalagang iyon ang talagang para sa kanya.

halata sa mga mata niya na masaya siya.

nalungkot ako.

parang gusto kong umiyak.

shit!bakit ang sakit?

bakit ganito?

dapat masaya din ako kagaya ng lahat. dapat makiisa ako sa kung ano man yung sinisigaw nila, pero bakit ganon? kahit anong gawin kong pilit sa sarili ko para maging masaya hindi pa din kayang sundin ng isip ko.

kitang kita ko ang hindi paglisan ng ngiti sa kanyang labi, sa kanyang mga mata at sa kanyang aura.

tuloy ang lihim na pag daloy ng luha ko habang tuloy ang palabas sa aking harap.

hindi siya sa akin at malabong mangyari yun.

hindi siya sa akin at paulit ulit yun na bumabalik sa dumudugo kong puso at sa utak kongf ayaw tumanggap ng kahit ano ng mga oras na yun.

lahat yata naglaho.

ang mga pangarap ko...

ang aking mga inaasam...

ang tangi kong kaligayahan..

tuloy ang tugtog..tuloy ang kanilang galaw..

tuloy ang sakit na nararamdaman ko..

sana ako na lang siya..

sana hindi na lang ako nag punta..

pero kahit siguro masaktan pa ko matimbang pa rin ang pagnanasa na makita siya.

kahit alam na alam ko ang dapat kong lugaran.

hindi ko malilimot ang araw na yun..

ang limang minutong pagluha ng puso ko..

ang realisasyong hindi siya akin at hindi kailanman magiging akin..

at higit sa lahat ang mga ngiti niyang nging dahilan ng aking pagluha...

Wednesday, July 23, 2008

secret window

Sabi nila bago ka daw matuto na mag mahal kailangan daw mahalin mo muna ang sarili mo… parang napaka simple diba? Pero naisip mo na ba kung talagang minahal o mahal mo nga ba ang sarili mo?

Ako? Hindi ko sigurado… oo yata… ay teka hindi rin siguro… panu mo nga ba mamahalin ang isang tao kung ikaw mismo sa sarili mo hindi mo sigurado kung karapat dapat ka nga bang mahalin…

Alam mong iba ang pagtingin mo sa sarili mo at iba ka rin sa mata ng ibang tao. Panu ka nga ba nakikilala ng isang tao? Sa pangalan? Sa maga sinasabi mo? O kaya naman ay sa mga ginawa mo?

Para

sakin nakikilala ka ng isang tao sa kung ano yung gusto mong paraan na makilala ka nila. Ipinapakita mo lang yung kung ano man ang gusto mong Makita nila… parang panliligaw diba you always put your best foot forward?

Sa psychiatric nursing o kahit sa psychology meron silang tinatawag na Johari’s Window. Sabi ditto merong apat na klase ng personality ang isang tao. Yung alm mong mga traits mo, yung alam ng iba pero hindi mo alam, yung alam mo pero tinatago mo at yung ikaw na walang may alam meaning it’s yet to be discover.

Siguro dahil don kaya tayo may mga instincts tayo or siguro yun na din yung reason kung bakit sometimes we feel empty. We feel alone for some reasons na hindi natin alam na parang there’s always something missing in our life. siguro talagang ganon ang tao we always want more. Hindi tayo nakukuntento sa kung ano yung nasa atin. We always complain. We always ask for more.

I believe that unknown part of the johari’s window was never really unknown. It was just there waiting to be unleashed and discover. Remember jerry magguire? He said “you complete me” to his wife. Maybe that part of the window is supposed to be shared with someone. I mean kahit naman mga parents natin they don’t know every part of us. Parang kung ano man yung nakikita nila satin eh superficial lang, na we’re really more to what they see in us.

Kaya siguro intimate partner ang tawag sa mga mag asawa kasi they share everything… they let that someone that they love cross the intimacy line… and for me, (someone who loves privacy very much), that’s really, really something –it’s like some sort of sacrifice(?). pero if there’s one thing I love about crossing the line I guess it’s because they bring out the best in each other. Alam mo yun you wanted to be good and nice for that someone you love (sweet, hehehe). Kung dati matino ka tapos adik yung mahal mo eventually adik ka na din hahaha well it depends siguro kung sino mas may strong personality pero I’m sure in the end magkakahawahan din kayo… hahaha

Siguro I’ll know I’m ready na for a relationship/commitment pag pinayagan ko na yung taong mahal ko to cross the line. It will be nice siguro if I can share my “window” with him…………… yeah that would be nice, really nice… but since I’m not yet ready siguro I’ll still take my time… kikilalananin ko muna yung sarili ko… sabi nga love yourself first… I’m not in a hurry naman eh, hehehehe